Ang aking listahan ng mga gagawin ngayong bagong taon...

Wala naman talaga akong listahan ng mga resolusyon dahil unang-una ay tamad akong magsulat; pangalawa, alam ko namang hindi ko matutupad ang mga bagay na gusto kong baguhin ngayong 2009. Sinubukan ko na dati yan. Ang sabi ko titigil na akong manigarilyo pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na magsindi ng isang stik lalo na pag matagal-tagal akong hindi nagbabanyo. Madalas ay un ang lagi kong palusot sa aking asawa. "Dad, isang stick lang para lang lumabas." Hindi ko alam kung psychological lang ba talaga o may siyentipikong epekto ang paninigarilyo kapag ang tao ang constipated.

Hindi ko na matandaan pa ang mga ilang bagay na pinangko kong gagawin noong nakaraang taon. Pero ngayon, susubukan kong baguhin ang isang ugali ko na alam ko ring matagal ko na dapat binago. Hmm..how do I put it? Ang hirap talagang mag-Tagalog lalo na kung ang gusto mong sabihin ay walang katumbas sa ating lenguahe. (Ngak! Tama ba ang ispeling ko ng lenguahe? kunganoman!)

Sa maniwala ka man o sa hindi, ako ay isang anti-social. Hindi ako nasisiyahan sa mga salu-salo lalo na't kung wala naman akong kakilala dun sa pupuntahan ko kaya't hindi nakapagtataka na mabibilang ko sa aking kanang kamay ang mga kaibigan ko. Parusa sa akin noon ang pumunta sa fashion shows, sa mga bahay ng mga ambasador, kumain at uminom ng mamahaling alak at pagkain sa mga hotel habang nagkukunwaring ako'y isang gourmand. Oo masaya ang dati kong trabaho dahil halos lahat ay libre. Sa kabilang banda, malungkot din dahil parang everything is superficial. Pero teka, nalalayo na yata ako sa usapan. Ang pagiging anti-social ko ang gusto kong baguhin, hindi sa ganoong aspeto ha, kundi pagdating sa aking mga kaibigan. Siguro iniisip ng mga iba kong kaibigan na nakalimutan ko na sila, or wala akong pakialam. Ewan ko ba, ganito na ko talaga high school pa lang ako. Hindi ako mahilig sumama sa mga lakad. Hindi ako pumupunta sa birthday, sa reunion, sa inuman o kung ano pa mang okasyon kahit na inimbita ako ng makailang ulit. Hindi ako yung tipong unang mambabati kung magkasalubong man tayo sa daan. Hindi rin ako maalalahanin. Pero hindi ibig sabihin nun ay wala lang..na wala akong pakialam sa mga tao o sa mga kaibigan ko. Ganun lang talaga ako. Anti-social. Ewan.

Ah basta. Yun ang gusto ko baguhin ngayong 2009. I want to rekindle friendships, to open up more, and mingle with people as much as possible. Ikaw, anong gusto mong baguhin sa sarili mo ngayong bagong taon?

2 comments:

Anonymous said...

Ako din, nais kong bawasan ang yosi. :( Hindi ko alam kung papano kasi hindi gumana ang Nicotine Patch sakin.

At ako din hirap sa mga sosyalan...well not all...hirap akong mag-attend ng walang kakilala (that's why I hated attending presscons, fashion events back then too), although kung may kakilala ako kahit isa, makakasurvive naman ako kahit papano.

Lastly, ang isa sa mga pinakababaguhin ko siguro ngayong taon...at mejo kadiri to, hehe...hindi na ako masyadong mag-iisip ng tungkol sa sex, hehehehehehehe!

CANDY said...

hahaha...talaga madalas kang magpantasya tungkol sa sex?